TY - THES T1 - Kutyaan, katatawanan A1 - Aglugub, Maria Elizabeth Matalobo A1 - Antiporda, Aireen Eugenia dela Rosa A1 - Mesina, Cherry Eve Martin A1 - Santos, Marie Angeline Ignacio YR - 2005 UL - https://ds.mainlib.upd.edu.ph/Record/UP-1685594773861387069 AB - Likas na sa ating mga Pilipino ang pagiging masayahin. Madali para sa atin ang humanap ng katatawanan kahit sa mga pinaka-hindi kaaya-ayang pangyayari. Kadalasan kasi, pagtawa ang nagiging paraan upang kahit paano ay malimutan natin ang mga problema o kabiguan sa buhay. Ang katangiang ito ang nakikita naming dahilan kung bakit patuloy na namumuklod ang mga sitcom na slapstick sa telebisyon. Naaaliw tayo kapag ginagawang katatawanan ang anumang krisis na kinakaharap ng ating bansa o sa tuwing may taong nagiging tampulan ng biruan dahil sa "kakaibang" itsura nito. At dahil halos araw-araw ipinalalabas ang mga ito, nagiging normal na sa atin ang matawa sa ganitong uri ng komedya. Nasasanay na tayo sa ideyang laging dapat may elemento ng pangungutya sa kapintasan ng iba upang matawa. Dahil sa mababaw na katatawanang inihahain ng kamedyang Pilipino, naging mababaw na rin ang mga bagay na itinuturing nating katatawanan. Bukod dito, maging ang pamamaraan ng ating pagbibiro ay mababaw na rin. Sa obserbasyong ito, ninais naming pag-aralan kung paano naaapektuhan ng madalas na panonood ng sitcom ang pang araw-araw nating pamumuhay- na siyang pangunahing layunin ng aming pananaliksik. Partikular na tinalakay ang epekto ng mga sitcom sa uri ng pagpapatawa nating mga Pilipino. Sa pagsusuri ng kwento at istilo ng pagpapatawa ng ibat ibang sitcom sa bansa, napag-alamang mula noon hangang ngayon, slapstick na ang uri ng pagpapatawa sa mga ito. Maaring nag-iba ang kwento at mga tauhan, subalit lagi't lagi pa ring naroon ang pormula- may nangungutya at may kinukutya, may nananakit at may sinasaktan. Ginawang batayan sa aming pag-aaral ang Cultivation Theory ni Goerge Gerbner at Cultural Studies ni Stuart Hall upang mas patibayin pa ang mga akademikong haka ng grupo. Ginamit ang Cultivation Theory upang ipakita kung paanong nakikintal sa ating mga isipan ang komedyang slapstick dahil sa palaging pagpapalabas nito sa telebesyon. Samantala, pinagbasihan naman ang Cultural Studies sa pagpapaliwanag ng namecalling at labeling na talamak sa mga sitcom at kung bakit inuulit-ulit na lamang ang pormula ng mga naturang programa sa halip na umisip ng mga makabagong konsepto. Minarapat naming gumawa ng isang pelikula upang lubusang maibahagi ang aming pag-aaral. Lahat ng aming nasaliksik ay pinagtagni-tagni sa kwento ni Tess- ang pangunahing tauhan sa pelikula. Ipinakita dito kung paanu naimpluwensyahan ng labis na panonood ng telebisyon ang ugali niya. Mula sa dating walang kahilig-hilig sa sitcom na slapstick, nagbago si Tess patungo sa isang panatikong labis ang pagkahumaling dito. Hindi naglaon, ang dating naiinis sa pagpuna ng mga kaibigan sa kapintasan ng iba ay siya na mismong nagsisimula ng panlalait. Naniniwala ang grupo na sa pamamagitan ng pagkilos, gaano man kasimple, maisusulong ang positibong pagbabago tungo sa ikabubuti hindi lamang ng mga manonood kundi ng midya na rin mismo -- Author's abstract. NO - Thesis (B.A.) -- University of the Philippines Baguio, 2005. CN - Thesis KW - Comedy programs : Social aspects : Philippines. KW - Slapstick comedy : Television series : Social aspects : Philippines. ER -